Elesi by Rivermaya

Elesi

Rivermaya

Pag automatic na ang luha
Tuwing naghahating-gabi
Pag imposibleng napatawa
At di na madapuan ng ngiti

Kumapit ka kaya
Sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala sapagka't
Ngayong gabi ako ang
Mahiwagang elesi

Pag komplikado ang problema
Parang relong made in japan
At para ding sandwich na
Nasa lunchbox mong nawawala
Nabubulok na sa isipan

Kumapit ka kaya
Sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala sapagka't
Ngayong gabi ako ang
Mahiwagang elesi
Elesi

Minsan ako'y nangailangan
Dalian kang lumapit sa akin
Ibinulong mo kaibigan
Ako ang iyong liwanag sa dilim

Kumapit ka kaya
Sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala sapagka't
Ngayong gabi ako ang
Mahiwagang elesi
Elesi
Elesi